Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, inaprubahan na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niratipikahan na ng senado ang Reciprocal Access Agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Japan.

Sa naging botohan 19 na senador ang sumang-ayon sa RAA, walang tumutol, at walang nag-abstain.

Nagpasalamat si Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos sa pagsang-ayon ng mga kapwa niya senador sa RAA.

Welcome rin kay Senador Juan Miguel Zubiri ang RAA bilang ang Japan aniya ang isa sa pinakamahalagang kapartner ng Pilipinas at sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mas mapapalalim ang ugnayan ng ating mga bansa.

Binigyang diin naman ni Senador Joel Villanueva na sa pamamagitan ng RAA ay mapagtitibay ang commitment ng ating bansa sa pagtataguyod ng regional at global peace and stability.

Sa bisa ng RAA, magkakaroon ng legal framework o batayan ang kooperasyon, ugnayan, at palitan ng kaalaman at teknolohiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at Japan Self-Defense forces.

Sa committee report, tiniyak na ang RAA ay hindi magbibigay daan para makapagpatayo ang mga hapon ng military bases o military facilities dito sa Pilipinas.

Magkakaroon rin ng criminal jurisdiction ang host country sa sundalo na lalabag sa batas nito.

Maraming mabebenepisyo ang Pilipinas sa RAA kabilang na pagdating sa defense capabilites, kaalaman sa pagtugon, at paghahanda sa mga kalamidad, regional stability, palitan ng kaalaman, at economic at strategic partnerships. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us