Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawan ng paraan ang kinaltas na P10 billion mula sa budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2025.
Ayon sa pangulo, ang ginawang budget cut ng Kongreso ay taliwas sa mga polisiya ng administrasyon, kaugnay sa pagpapaunlad pa ng sektor ng edukasyon.
“On the subject of the DepEd, we are still looking into it. I think it is contrary to all our policy direction when we talk about the STEM development of our educational sector and then the continuing development.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, malaking bahagi kasi ng tinapyas na budget sa DepEd ay ilalaan sana sa computerization program.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na, tinatrabaho na nila na maibalik ito.
“Because yung nawalan na P10 billion comes from the computerization item. So we’re working on it to make sure that we will restore it. I do not want to line item veto anything because that just gets in the way. So we’re still talking about it and trying to find a way.” —Pangulong Marcos.
Nang tanungin naman ang pangulo kung magpapatupad ng veto sa line item ng budget, tugon nito, wala pa ito sa kaniyang ikinu-konsidera, lalo’t patuloy pa nilang tinututukan ang panukalang pambansang pondo.
“Maybe this is the first thing, hindi pa buo ang sagot ko pero sasabihin ko na sa inyo, tinatrabaho namin yan. At kailangan na kailangan. Hindi, you know… P12 billion request, the original request of the P12 billion to be reduced down to two. P12B is only sufficient to maintain what we’re already doing when in fact we have to do more. So yun na nga, we have to figure that out.” —Pangulong Marcos.
Sabi pa ng pangulo, pipilitin niyang malagdaan ang budget bago ang Pasko.
“Yes. Pilitin ko talaga that we will finish it by then.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan