Nagpatawag ng isang briefing ang House Blue Ribbon Committee o Good Government and Public Accountability kasama ang Philhealth.
Ito ay para alamin ang magiging epekto ng pag-alis ng ₱74 billion na subsidiya sa Philhealth para sa taong 2025.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, chair ng Komite, magiging bahagi rin ng kanilang tatalakayin kung ano ang nangyari sa reserve funds ng Philhealth.
Sabi pa ni Chua, nais nila malinawan kung makakaapekto ba ang budget cut sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino, gayundin ay silipin naman kung paano ginamit o ginastos ang pondo na inilaan sa state health insurer.| ulat ni Kathleen Forbes