Kailangan nang silipin kung kaya pa ba gampanan ng Philhealth ang pagiging state health insurer nito at ang mandato na ipatupad ang Universal Health Care.
Ito ang binigyang diin ni House Assistant Majority Leadet Jude Acidre sa gitna ng isyu ng pag alis ng P74 billion na subsidiya para sa ahensya sa taong 2025.
Katunayan may inisyatiba na aniya ang Kongreso na rebyuhin ang charter ng Philhealth.
Paalala niya na idinisenyo ang Philhealth bilang national health insurance agency.
Kaya nang hawakan din nito ang pagpapatupad sa Universal Health Care Law nagbago rin aniya ang dynamic sa loob ng ahensya.
Isa pa aniya sa dapat silipin ay kung bakit hirap makapagbayad ang Philhealth on time sa mga reimbursement sa mga ospital.
Kahit ilang beses kasi aniya magpalit ng pamunuan ay tila ito ang laging prpblema na hindi masolusyunan.
Ngayong araw, isang briefing ang ipinatawag ng House Committee on Good Government and Public Accountability upang alamin ang magiging epekto ng zero subsidy sa Philhealth sa susunod na taon. | ulat ni Kathleen Forbes