Pinawi ng PHIVOLCS-DOST ang pangamba ng publiko kaugnay sa nangyaring malakas na lindol sa bansang Vanuato.
Ayon sa PHIVOLCS, walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang magnitude 7.4 earthquake na tumama sa bansa kaninang alas-9:47 ng umaga.
Nangyari ang pagyanig sa bahagi ng karagatan na may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, apektado lamang ng mapaminsalang tsunami ang mga coastal area na sakop ng 300 kilometro mula sa epicenter ng lindol. | ulat ni Rey Ferrer