Itutulak ng Globe Telecom Inc. ang kanilang adbokasiya para palakasin ang edukasyon, lalo na sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ngayong 2025.
Ito ang inihayag ni Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly C. Crisanto sa kanyang mensahe sa Davao Media.
Ayon kay Crisanto, nais nilang palakasin ang kaalaman ng kabataan sa tamang paggamit ng internet para sa kanilang pag-aaral.
Isa sa mga nakikita nito ay ang tamang paggamit ng Artificial Intelligence upang mas mapalawak ang kaalaman sa digital world sa kasalukuyang panahon.
Dagdag ni Crisanto, nais nilang baliktarin ang napakababang nakuhang score ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA). | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao