Naging matagumpay ang pamamahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga Christmas package sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, naging matagumpay ang misyon sa kabila ng presensya ng dalawang barkong pandigma at dalawang coast guard ng China sa nasabing lugar.
Sa panayam sa Camp Aguinaldo, binigyang-diin ng opisyal na ang paghahatid ng suplay ay bahagi ng pamaskong handog sa siyam na maritime features sa West Philippine Sea.
Isinagawa ang transportasyon ng mga Christmas package mula December 3 hanggang 14, para sa Ayungin at iba pang bahagi ng teritoryo ng bansa.
Tiniyak naman ng AFP, na mananatili ang matatag na morale ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre. | ulat ni Diane Lear