Mga ride hailing at food delivery apps na hindi tumatalima sa discount ng senior citizens at PWDs, pinapaimbestigahan sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara para paimbestigahan ang mga ride hailing at food delivery apps na bigong magbigay ng diskwento sa mga senior citizen at PWD.

Sa House Resolution 2134 ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes, kaniyang tinukoy na marami ang nagrerekalmo sa mga app gaya ng Grab, Food Panda at iba pa dahil hindi naman naibibigay ang diskwento sa kanilang mga transaksyon.

Sa halip ay ipinapasa o ipinapasalo umano ito sa kanilang partner-drivers.

Kaya naman maliban sa hindi na nakukuha ang karamptang diskwento ay nababawasan din ng kita ang kanilang partner riders.

Bagay na ani Ordanes, ay labag sa Expanded Senior Citizens Act at Magna Carta for PWDs, kung saan may 20 percent discount at exempted sa VAT gayundin ang LTFRB Memorandum Circular no. 2015-016.

Kaya naman, inaatasan ang angkop na komite na ito ay maimbestigahan at kung mapatunayan ang paglabag ay suspindihin ang operasyon ng naturang app. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us