Maaari namang magpatawag ng special session anumang oras si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon kay Senate Majority leader Francis Tolentino.
Ito ay sa gitna ng pasgkwestiyon ng ilan sa nilalaman ng pinal na bersyon ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) o ang Panukalang Pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sinabi ni Tolentino na sa ngayon ay wala pa namang ganitong plano na napag-uusapan sa Senado.
Pinahayag rin ng senador na maaari rin namang maikonsidera na emergency ang pagtalakay sa panukalang budget para hindi magkaroon ng reenacted budget ang bansa.
Nakatakda na bukas ang huling session day ng kongreso pero base sa legislative calendar ay pwede pang hanggang sa December 20 gawin ang sesyon ng Kongreso.| ulat ni Nimfa Asuncion