Nagpahayag ng interes ang US Semiconductor Industry na mamuhunan sa Pilipinas at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) Frederick Go, unti-unting nahihikayat ng Pilipinas ang mga Amerikanong kompanya ng semiconductor na mamuhunan sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Sec. Go kasama na ang Semiconductor Industry Association (SIA), ay aktibong naghahanap ng oportunidad na mamuhunan at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Maalalang nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinatawan mula sa industriya ng semiconductor sa US.
Ayon kay Go ang pagbisitang ito ay alinsunod sa mga pagsusumikap na iposisyon ang bansa bilang pangunahing destinasyon para sa pamumuhunan globally.
Samantala, ibinida ng OSAPIEA ang mga pangunahing prayoridad tulad ng pagpapalawak ng Assembly, Testing, and Packaging (ATP) sector, pagpapahusay ng kapasidad sa IC design at pagpapayaman ng skilled workforce.
Ang industriya ng semiconductor ay mahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas nagbubukas ng oportunidad at trabaho sa mga Pilipino.| ulat ni Melany V. Reyes