DOH, nakapagtayo na ng 42 Super Health Centers sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 42 Bagong Urgent Care and Ambulatory Services ang naipatayo ng Department of Health (DOH) sa loob lamang ng isang taon.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, layunin nito na mas mailapit pa sa mga kanayunan ang serbisyong pangkalusugan ng DOH.

Ang BUCAS Center o Super Health Center ay may mga kumpletong basic equipment, doktor at mga gamot.

Sa 42 na mga Super Health Centers, 20 ang naipatayo sa Luzon, 8 sa Visayas, at 14 sa Mindanao.

Bukod sa Super Health Centers, naitayo na rin ng DOH ang Purok Kalusugan sa mga liblib na lugar.

Mayroong na ring 83 Bagong Pilipinas Mobile Clinics na may doktor para sa consultation, chest X-ray, Ultrasound at blood examinations.

Umiikot na, ani Herbosa, ang mga Bagong Pilipinas Mobile Clinic sa buong bansa na unang nilikha ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamagitan ng kanyang LAB for All Caravan.

Samantala, nakapaglagay na rin ang DOH ng 627 doctors to the Barrios, habang nasa 19,425 ang mga health workers at 253,537 ang mga Barangay Health Workers ang sinusuportahan ng DOH. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us