Hindi matutuloy sa darating na Biyernes, December 20, ang una nang itinakdang paglagda sana sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Sa statement na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay sinabi nitong daraan pa sa pag-aaral at pagsusuri ang panukalang budget sa susunod na taon.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. aniya ang nagsasagawa ng review sa proposed budget kasama ang mga kalihim ng bawat kagawaran.
At bagama’t hindi pa aniya mai-aanunsyo ang petsa kung kailan posibleng mapirmahan ang GAA, kinumpirma naman ni Bersamin na may ilang items at mga probisyong ive-veto ang Pangulo.
Para na din aniya ito sa interes at kapakanan ng publiko, pagtalima sa fiscal program, at pagtalima sa umiiral na batas. | ulat ni Alvin Baltazar