Ayaw munang magbigay ng anomang pahayag ang Malacañang kaugnay ng posibilidad na pagbibigay ng pardon kay Mary Jane Veloso.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mangyari sa ngayon para kay Mary Jane ay makabalik ito ng bansa ng walang anomang delay.
Mula doon sabi ni Bersamin ay wala aniya muna silang pahayag gayung ang mahalaga sa Pangulo ay makauwi sa bansa si Maryjane mula Indonesia.
Matatandaan na dumating na sa NAIA Terminal 3 ngayong umaga, sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 760, si Mary Jane Veloso. | ulat ni Alvin Baltazar