Protocol sa ASF, gagawing simple ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na maglalabas ng bagong panuntunan ang kagawaran sa pangangasiwa ng African Swine Fever (ASF) cases sa bansa.

Ayon sa kalihim, sa ilalim ng bagong polisiya, posibleng alisin na ang ASF color coding o mga umiiral na Red, Pink, at Yellow Zones.

Sa ngayon kasi aniya ay nagdudulot ito ng stigma lalo sa mga nasa ilalim ng ‘Red Zone.’

Sa pinasimpleng protocol, maaaring hatiin na lang ang kategorya sa ‘ASF-free’ at ‘infected.’

Target ng DA na ipatupad ang bagong polisiya sa susunod na taon.

Kaugnay nito, inaasahan din ng kalihim na tuloy na ang usad ng commercialization ng ASF vaccine sa susunod na taon.

Umaasa ang kalihim na sa tulong ng mga hakbang na ito ay tuloy-tuloy nang makakabangon ang hog industry ng bansa at manatili nang stable ang presyo nito sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us