Mga supermarket at malalaking retailer outlet ng bigas, sunod na sisilipin ng Quinta Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni House Quinta Committee Co-Chair Joey Salceda ang mga supermarket at malalaking retailer ng bigas na sunod na silang sisiyasatin ng mega-panel kaugnay sa isyu ng manipulasyon ng presyo ng bigas.

Ito’y matapos silang makatanggap ng ulat na ang mga imported na well milled rice ay ibinibenta bilang premium rice sa halagang ₱70 kada kilo.

Ibig sabihin, kumikita aniya sila ng hanggang ₱30 kada kilo ng bigas.

Kaya naman sa susunod na pulong ng komite ay ipapatawag aniya ang mga malalaking retailer outlet ng bigas at supermarket.

Hindi naman naniniwala si Salceda sa paliwanag ng Bureau of Plant Industry at Grains Retailers Confederation of the Philippines na kaya nananatiling mataas ang presyo ng bigas ay dahil sa mas gusto ng mga mamimili ang premium rice.

Giit niya kung titignan ang reference values, papatak lang dapat ang bigas mula Vietnam ng ₱41 kada kilo kasama na ang ipinataw na duties.

“That doesn’t explain why prices are stubborn at ₱56. And that does not match actual average import prices of ₱31 per kilo after duties — that is not premium price. So, next time I get a reason like that, the committee will be forced to remind people that there are consequences to lying under oath,” giit ni Salceda.

Pinaalalahanan naman ng economist solon na hindi na maaaring idahilan ng Department of Agriculture na wala silang kapangyarihan para ihinto ang mga pang-aabuso sa presyuhan ng bigas.

Lalo lang kasi aniya nito binibigyan ng dahilan ang mga nananamantala.

“Rice prices have become something of a death spiral. And with the DA publicly saying they are powerless under the law, price manipulators are even more emboldened to do as they please,” diin ni Salceda.

Payo niya sa DA na hanapin at aralin ang lahat ng umiiral na batas na maaari nila magamit.

Hinikayat din ng mambabatas ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na maghigpit sa pag-inspeksyon mula import warehouses at mga pamilihan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us