Magdaragdag ng mga tauhan ang pamunuan ng NLEX-SCTEX bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga motoristang bibiyahe ngayong holiday season.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program kung saan nasa karagdagang 1,500 personnel ang ipakakalat sa buong expressway.
Ito ay upang masiguro na matutugunan ang inaasahang mas malaking traffic volume mula ngayong weekend hanggang sa Enero 6.
Kasama sa ide-deploy ang patrol crews, traffic marshals, security teams, toll at system personnel, at mga emergency medical services at incident response teams sa ilang strategic areas.
Hinihikayat naman ang mga motoristang dadaan sa NLEX na bumiyahe sa non-peak hours upang maiwasan ang mahabang trapiko at pagkaantala. | ulat ni Marry Ann Bastasa