Isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang epektibong pamamahala sa mga evacuation center sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Binigyang diin ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang isinasagawang crash courses ng ahensya sa Negros Occidental.
May kinalaman ito sa usapin ng Camp Coordination and Camp Management gayundin ang proteksyon sa Internally Displaced Persons.
Nasa kabuuang 14 na Child Development Workers at 10 tauhan ng La Castellana Local Government ang sinanay na ng ahensya.
Ang kahalintulad na aktibidad ay isinagawa din kahapon sa Himamaylan City.
Dinaluhan ito ng Child Development Workers, Public School Teachers, Barangay Officials, at Health Workers. | ulat Rey Ferrer