Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ang House Bill 10755 o amyenda sa Investors Lease Act sa ikatlo at huling pag-basa.
175 ang bumoto pabor dito, may 3 tumutol at may 2 nag-abstain. Sa ilalim ng panukala palalawingin ang land lease limit para sa mga foreign investors sa 90 taon mula sa kasalukuyang 75 taon.
Malinaw na nakasaad sa panukala na para lamang ito sa private lands. Isa ito sa mga LEDAC priority bills ng administrasyon.
Umaasa naman si Speaker Martin Romualdez na mas makaka akit ito ng mga mamumuhunan sa bansa. Ang pag renta sa lupa ay para lamang sa investment purposes.
Kasama rin sa kundisyon ang pagkakaroon ng foreign investor ng aprubado at rehistradong investment sa ilalim ng Foreign Investments Act of 1991 at kailangan aprubahan ng Board of Investments ng DTI at/o ng investment promotion agency ang lease ageeement.
Ang mga lalabag sakaling maging ganap na batas ay papatawan na ng P1-M hanggang P10-M na multa kumpara sa kasalukuyan na P100,000 hanggang P1-M. | ulat ni Kathleen Forbes