Pangulong Marcos Jr., nakatutok sa pagbusisi sa 2025 National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na tinututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginagawang pagbusisi sa lalamanin ng 2025 National Budget.

Ngayong araw, ipinatawag ng Pangulo sa Malacañan ang economic managers ng pamahalaan, upang masiguro na nakalinya sa development priorities ng administrasyon ang lalamanin ng pondo para sa susunod na taon.

Kasama sa pulong sina Executive Secretary Bersamin, DOF Secretary Ralph Recto, DBM Secretary Amenah Pangandaman, DPWH Secretary Manuel Bonoan, at NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Una nang sinabi ng Palasyo, na ivi-veto ng Pangulo ang ilang probisyon ng higit P6.3 trillion na pondo, upang masiguro na naaayon sa batas ang bawat probisyon nito.

Hindi rin matutuloy sa December 20 ang paglagda sa General Appropriations Act (GAA), upang mabigyan ng sapat pang panahon ang masusing review sa 2025 budget. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us