CamSur solon, suportado ang panukalang ibalik sa DA ang kontrol sa mga serbisyong pang-agrikultura at pangisdaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte ang panukalang muling i-centralize ang kontrol at serbisyong pang-agrikultura at pangisdaan  mula sa mga lokal na pamahalaan pabalik sa Department of Agriculture (DA).

Sang-ayon si Villafuerte kina Senate President Francis Escudero at DA Secretary Francisco Tiu Laurel na muling ibalik sa DA ang control upang masolusyunan ang matagal nang problema sa mababang produksyon.

Paliwanag ng mambabatas na ang devolution ng mga serbisyong pang-agrikultura sa ilalim ng Local Government Code (LGC) of 1991 ang pangunahing sanhi ng pagkawala ng ugnayan sa pagitan ng DA at local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa agrikultura at pangisdaan.

Samantala, pinuri naman ng CamSur solon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa pagsuporta nito sa pagsusuri ng LGC upang mapalakas ang LGUs.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us