Maaga pa upang pag-usapan ang pagga-gawad ng Executive Clemency para kay Mary Jane Veloso, kahit na nakauwi na ito sa Pilipinas matapos ang higit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia, at pagkakabilang sa death row.
“Hanggang ngayon, malayo pa tayo dun. We still have to have a look at what really her status is and of course we are aware of the request for clemency of her representative and of course her family.” -Pangulong Marcos Jr.
Paliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., batid naman nila ang panawagan ng pamilya ni Veloso, gayunpaman, nasa preliminary stage pa lamang ang pag-uwi ni Veloso sa bansa.
Ayon sa Pangulo, wala namang ibinigay na kondisyon ang Indonesia kaugnay sa paglilipat ng kustodiya ni Veloso.
Ito ang dahilan kung bakit mainam na mapag-aralan muna ng legal experts ang kaso ni Veloso, upang mabatid kung angkop ang paggagawad ng executive clemency dito.
“We will leave it to the legal judgment, the judgment of our legal experts to determine whether the provision of clemency is appropriate. So we will have to look at the…Wala namang condition na binigay ang Indonesia so it’s really up to us. But we’re still at a very preliminary stage of her pag-uwi.” -Pangulong Marcos. | ulat Racquel Bayan