Isasagawa na sa Sabado ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Parade of Stars sa Maynila.
Tampok dito ang mga makukulay na float sakay ang mga artista na kalahok sa 10 opisyal na MMFF entries.
Magsisimula ang parada ng alas-3:00 ng hapon sa Kartilya ng Katipunan at tatahakin ang 12-kilometrong ruta na dadaan sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.
Magtatapos ito sa Manila Central Post Office, kung saan magkakaroon ng meet-and-greet sa fans at susundan ng music festival.
Ayon kay MMDA at MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes, mahigit 3,000 tauhan mula sa MMDA, PNP, at iba pang ahensya ang ide-deploy upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng aktibidad.
Bilang bahagi ng traffic management plan, magpapatupad and MMDA ng temporary lane closures at stop-and-go scheme mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta. | ulat ni Diane Lear