Mas mainam nang magkaroon ng katanggap tanggap na National Budget law kaysa magpasa ng isang budget law para lang maihabol sa pagtatapos ng taon.
Ito ang pahayag ni Senate Minority leader Koko Pimentel kasabay ng pagsasabing handa siya na mag-overtime at hindi magkaroon ng Christmas break sakaling ibalik ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bicameral Conference Committee ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Paliwanag ni Pimentel, ang Legislative calendar ng Kongreso ay nakabatay lang naman sa isang resolusyon na pwede nilang amyendahan.
Sinabi rin ng senador na hindi dapat madaliin ang pagsasaayos ng budget bill at hindi naman kailangang tapusin ito bago matapos ang taon.
Pinunto ng mambabatas na may ilang pagkakataon nas ring dumating ang january 1 nang walang budget at wala namang nagyaring masama sa bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion