Epektibong Monetary policy ng Pilipinas, nagpababa ng inflation, ayon sa Fitch Rating

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng credit rating agency na Fitch Ratings ang maayos na monetary policy ng Pilipinas na nagresulta sa pagbaba ng ng inflation sa bansa.

Ayon sa Fitch credit update report bumaba ang average inflation sa 3.2 percent mula Enero hanggang Nobiembre 2024 kumpara sa 6.0 percent noong nakaraang taon.

Upang mapanatili naman ang inflation sa target range na 2.0 -4.0 percent, itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rate ng tatlong beses noong nakaraang taon kung saan umabot sa kabuuang 100 basis point,

Sa gitna ng mas maayos na inflation environment, ibinaba ng BSP ang interest rates noong Agosto at Oktubre ngayong taon, bawat isa ay may 25 basis points na layong suportahan ang paglago ng ekonomiya.

Inaasahan ng Fitch na aabot sa 5.7 percent ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon, tataas pa sa 5.9 percent sa 2025 at 6.2 percent sa 2026.

Sa ngayon pinapalakas ng BSP ang monetary policy transmission sa pamamagitan ng pagpapalawig ng capital market development kabilang dito ang paglulunsad ng Peso Interest Rate Swap (Peso IRS) katuwang ang banking industry.

Ang ulat ng Fitch ay kasunod ng positibong pananaw ng S&P sa BBB+ rating ng Pilipinas noong Nobyembre at pag-upgrade ng R&I sa A-rating ng bansa noong Agosto.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us