Nirerespeto ng mga miyembro ng Kamara ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpaliban muna ang dapat sanang paglagda sa 2025 General Appropriations Bill.
Sa pahayag na inilabas ni Executive Sec. Lucas Bersamin, kaniyang sinabi na inaaral pa ng Punong Ehekutibo ang panukalang pambansang budget.
Ayon kay House Appropriations Committee Vice-Chair Jil Bongalon, bahagi ng kapangyarihan ng Presidente ang veto power sa lahat ng batas na ipinapasa ng Kongreso.
“We respect the decision of the Office of the President. Yung nakatalaan na supposedly December 20, scheduled for the signing of the General Appropriations Bill will be rescheduled. For the purpose of conducting an exhaustive and rigorous review of the final version, as approved by the Bicameral Conference Committee and ratified by the Senate as well as the House of Representatives. Iwill respect the decision, the wisdom of the Office of the President, considering that there is a really there is a need to really review the final version of the budget,” saad ni Bongalon.
Sa panig naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, pinapatunayan lang ng desisyon ng ito ng pangulo na isya ang sensitibo sa panawagan ng taumbayan.
“Welcome na welcome ang desisyon ng Pangulo na ipa-review muli yung budget natin ito ay nagpapatunay na sensitive ang ating Pangulo sa panawagan ng taong bayan…This only proves that the President prioritizes education, and he recognizes its role in nation building. So I think that the Congress I don’t think will even question yung veto power ng ating Pangulo, and they will just look into the specific items that the President wants reviewed,” ani Roman.
Giit naman ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre, hindi naman na bago ang pagbibigay panahon sa ehekutibo na rebyuhin ang report ukol sa panukalang pambansang pondo.
Giit pa niya na patotoo ito na aktibong nakikibahagi ng Presidente sa budget proses at buhay ang demokraysa sa bansa.
“It’s also good to put in context na hindi po kakaiba itong pangyayari na binibigyan panahon ng Ehekutibo ang pag-review pa ng ah report noong porma ng budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at ng niratify ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ah in as much that it is Congress duty to approve the budget in the end it is the President’s duty also to execute the budget and his inputs, his wisdom as well as his priorities will play a big role…clearly in the way that we are reviewing now the budget at the executive level before it is signed, it’s only an indication that the President is dutiful about exercising his role in the budget making process. Ito po’y senyales na nasa isang malusog at masigasig tayong demokrasya,“ ani Acidre.| ulat ni Kathleen Forbes