Sen. Revilla, nanawagan sa NCSC na ipatupad agad sa susunod na taon ang Expanded Centenarian Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na ipatupad na ang Expanded Centenarian Law (RA 11982) simula sa Enero 2025.

Ayon kay Revilla, dapat nang simulan ng NCSC ang pamamahagi ng mga benepisyo ng mga senior citizens pagsapit ng bagong taon.

Binigyang-diin ng senador na matagal nang hinihintay ng mga lolo at lola ang biyayang ito mula nang lagdaan ang batas noong March 2024.

Matatandaang sa ilalim ng batas na tinaguriang “Revilla Law”, bibigyan ng cash gift na ₱10,000 ang mga senior citizen na makakaabot ng edad na 80, 85, 90 at 95.

Ang mga centenarian naman o ang mga senior citizen na aabot sa edad na 100 simula sa implementasyon ng batas ay makakatanggap ng one-time cash gift na ₱100,000.

Giniit ni Revilla na tiniyak nilang mapopondohan ito sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Department of Budget and Management (DBM) para magarantiya ang pondo.

Ngayon ay nasa kamay na aniya ng NCSC ang ganap na implementasyon ng batas at wala silang dahilan para hindi ito ipatupad dahil binigyan na sila ng sapat na oras at pondo.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us