Shortcut sa SIM card registration, imposible — CICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM registration sa bansa.

Ginawa ng CICC ang pahayag kasabay ng second anniversary ng implementation ng Republic Act no. 11934 o SIM Registration Act.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander K. Ramos, nilabas niya ang naturang paalala bunsod ng patuloy na paglaganap ng mga hindi totoong social media account na nag-aalok ng SIM card registration services para sa lahat ng networks, kapalit ng maliit na halaga.

Babala pa ni Ramos, maaring magamit ang mga personal na impormasyon sa oras na gumamit ng third party para iproseso ang kanilang SIM card registration.

Giit ng opisyal, madali lang ang proseso ng SIM card registration at hindi na kailangan pang iasa sa iba, at huwag magpaloko sa mga mga nag-aalok ng kaparehong serbisyo.

Para aniya sa may mga katauhan hinggil sa SIM registration ay maaaring tumawag sa Inter Agency Response Center hotline 1326. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us