AFP, itinuturing na tagumpay ang 2024; Halos 500 misyon, nakumpleto sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng mga hamon sa territorial defense at patuloy na pangha-harass ng China, itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay ang taong ito.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, matagumpay na nagampanan ng militar ang kanilang tungkulin sa buong taon.

Sa katunayan, nalampasan pa umano ng Hukbong Dagat ang itinakdang target na halos 500 misyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa bilang na ito, higit 300 ang natapos na maritime patrol, mahigit 100 ang air surveillance flight, at higit 60 naman ang resupply at reprovision missions.

Ngayong Disyembre, nakapaghatid din ang Western Command ng mga Christmas package sa siyam na maritime features, kabilang na ang Ayungin Shoal. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us