Umapela si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na rebyuhing maigi ang kanyang kaso at ikonsidera ang pagbibigay sa kanya ng pardon.
Giit ni Estrada, deserve ni Veloso ang pangalawang pagkakataon para maisaayos ang kanyang buhay, makasama ang kanyang pamilya, at maghilom mula sa naranasan niyang injustice.
Binigyang diin ng senador, na ang nangyari kay Veloso ay nagpapakita lang ng mga kinakaharap at dinadanas ng mga Pilipino sa ibang bansa, na nagiging biktima ng panloloko at human trafficking.
Ang kaso aniya ni Veloso ay paalala sa gobyerno, na palakasin ang mga polisiya at hakbang para mas protektahan ang mga OFW na nagiging biktima ng exploitation at iligal na aktibidad.
Gayundin aniya para matulungan ang mga kababayan nating maling nahatulan.
Samantala, sinabi rin ni Estrada, na ang pagpapauwi kay Veloso ay patunay ng malakas na diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.
Dinagdag rin ng senador, na bunga ito ng patuloy na pagsusumikap ng pamahlaan na protektahan ang karapatan at bigyan ng kaukulang suporta ang mga Pilipino saan man sila sa mundo. | ulat ni Nimfa Asuncion