Itataas ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang Philippine Heart Center ngayong Holiday Season.
Ito ang pinakamataas na alerto sa mga Health Workers sa tuwing may mga malalaking kaganapan.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, karaniwang tumataas ang kaso ng mga atake sa puso kapag ganitong panahon.
Ito ay dahil marami daw kasing mga kainan ang nangyayari at tila nawawalan ng disiplina ang taumbayan sa mga mamantika, maaalat, at matatamis na pagkain.
Bukod sa mga ospital na inilalagay sa mataas na alerto dahil sa mga paputok, kailangan din daw maglaan ng isang pagamutan na siyang mag-aasikaso o tatanggap ng mga pasyente na maaaring makaranas ng paninikip ng dibdib sa panahon ng Kapaskuhan. | ulat ni Mike Rogas