Apat na presteryosong parangal ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) mula sa International Center for Parliamentary Studies.
Ito ay dahil sa pagiging transparent at may maayos na komunikasyon sa taumbayan kaugnay sa mga hakbangin nito para masiguro ang maayos, payapa, at kapani-paniwalang halalan.
Kabilang sa mga parangal ay ang:
- Election Commission of the Year
- Electoral Ergonomy Award
- Electoral Conflict Management Award
- International Institutional Engagement Award
Nagpasalamat naman si COMELEC Chair George Erwin Garcia sa parangal na iginawad sa komisyon kasabay ng pagtitiyak na mananatili sila sa mandato na tiyakin ang isang malinis na eleksyon. | ulat ni Mike Rogas