Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng P5,000 Small Income Generating Assistance sa 410 small business owners sa lungsod.
Ito ay sa ilalim ng programang Sikap at Galing Pangkabuhayan program kung saan nakatanggap ng P100,000 ang Villaverde Food Forest Farm at P62,000 naman ang para sa Gurl’s Power Salon.
Layon nitong bigyan ng dagdag pangkapital at trainings ang mga maliliit na negosyo sa lungsod.
Pagtitiyak ng alkalde, tuloy-tuloy ang suportang ibibigay ng lokal na pamahalaan sa mga maliiit na negosyo dahil sila ang dahilan ng patuloy na kaunlaran ng Lungsod Quezon. | ulat ni Merry Ann Bastasa