Daan-daang miyembro at pensioner ng GSIS, panalo sa Christmas raffle ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiglilimang-libong piso bawat isa ang nakuha ng 300 members at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa GSIS touch and win Christmas raffle kung saan papalo sa ₱1.5-million ang kabuuang papremyo.

Ayon sa GSIS awtomatikong pasok sa raffle ang mga miyembro at pensioner na nag-download at register sa GSIS Touch app.

Karagdagang entries naman sa raffle ang makukuha ng mga magsasagawa ng iba’t ibang transaksyon sa nasabing app.

Personal na Pinangunahan ni GSIS President and General Manager Wick Veloso, ang ceremonial draw, na ginawa gamit ang  fair and audited electronic system.

Giit ni Veloso na higit pa sa holiday giveaway, ang kanilang Christmas raffle ay isang paraan patungo sa kanilang digital transformation.

Paliwanag ng opisyal na 98% ng serbisyo ng GSIS ngayon ay digital na kung saan 70% sa mga ito ay magagawa sa pamamagitan ng GSIS Touch.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us