Ipinagmalaki ni Maritime Industry Authority Administrator Sonia Malaluan na full swing na ang digitalization program ngayong taon.
Sa Kwentuhan with MARINA Administrator, iniulat nito na umaabot na sa 7,216 na mga online Online transaction ang nagawa mula ng simulan ang digitalization program noong July 1, 2024.
Mula sa application ng mga certification hanggang pagbabayad ay online na kung kayat hindi na mahihirapan ang mga customers ng MARINA sa anumang transaction nito.
Ang full swing digitalization program na ito ay bahagi ng layunin ng Marcos Jr administration na mas mapabilis ang mga transaction sa pamahalaan lalo pa at karamihan ngayon ay nasa modern technology operation. | ulat ni Michael Rogas