Malawakang paggamit ng home solar panel system, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ni Senador Lito Lapid ang mga sambahayan na may kakayahan na magkabit ng solar panels sa gitna ng nararanasang krisis sa kuryente sa bansa.

Sa pamamagitan ng inihaing Senate Bill 2138, sinabi ni Lapid na mapapadali ang pagkakabit ng solar panel system sa mga bahay papunta sa national grid.

Layunin ng panukala na maipatupad ang net metering scheme, para makamit ang mithiin ng gobyerno na lumawak pa ang produksyon ng renewable energy sa local level.

Pinapayagan ng gobyerno ang net metering system para mahikayat ang sambahayan at mga negosyante na mag-generate ng renewable energy, kaakibat ang pagbibigay ng insentibo, gaya ng pagbawas sa konsumo ng kuryente o bayad sa kanilang nalikhang enerhiya.

Dinagdag rin ni Lapid na sa ganitong paraan, kahit pumalya ang national grid ay mayroong back-up ang mga consumer sakaling mag-brownout dahil libre naman ang sikat ng araw. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us