Nagbigay garantiya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas dadami pa ang serbisyong ibibigay ng Philhealth sa taong 2025.
Ayon sa Pangulo, sa halip na mabawasan ang bayad ng Philhealth sa insurance claim ay kabaligtaran pa nga ang mangyayari.
Pagbibigay diin ng Chief Executive, pararamihin pa ang serbisyong ibibigay ng Philhealth kasabay ng pagpapalaki sa pagbabayad ng insurance claims.
Ni isang kusing ayon sa Pangulo ay walang mababawasan kayat walang dapat na ipag- alala ang mga miyembro into.
Hiling naman ng Pangulo sa mga nagbibigay ng komento sa isyu sa Philhealth subsidy, pag-aralan ng mas malalim lalim ang usapin. | ulat ni Alvin Baltazar