Binigyang diin ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre ang kahalagahan ng access sa serbisyong ligal ng mga OFW.
Kasunod na rin ito ng pag babalik bansa ni Mary Jane Veloso na nakulong sa Indonesia matapos mabiktima ng kaniyang recruiter sa pagpupuslit ng droga.
Paalala ni Acidre na hindi langsi Veloso ang nagkaroon ng probleamng ligal, lalo na ang mga napaparatangan sa krimen na hindi naman nila ginawa.
Kaya magsilbi aniya dapat na aral ang nangyari kay Mary Jane para tiyakin ang mabilis at accessible na legal assistance para sa mga OFW.
Bahagi rin aniya nito ang pagkakaroon ng interpreters para sa isang patas na paglilitis abroad.
Punto pa ng mambabatas na kahit pa may paglabag sa batas na nagawa ang ating kababayan ay mahalaga pa rin na mabigyan ng proteksyon ang kanilang karapatan. | ulat ni Kathleen Forbes