Nagpulong ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at ang online platform na TikTok sa Camp Crame upang palakasin ang kampanya laban sa cybercrime.
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Lt. Wallen Mae Arancillo, makikipagtulungan ang ACG sa TikTok upang masugpo ang mga online selling scam na laganap sa platform.
Paliwanag niya, karaniwang ginagamit ang buy-and-sell feature ng TikTok sa pagbebenta ng substandard na mga produkto.
Sa pamamagitan ng kolaborasyon, mas mabilis ang gagawing imbestigasyon ng ACG sa cybercrime dahil magkakaroon na ng focal person na pwedeng tumugon sa reklamo.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng training sessions ang TikTok sa ACG para sa investigation team upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga kaso. | ulat ni Diane Lear