Bago magplit ng liderato ang Philippine Air Force, pormal nang binasbasan ang 5 bagong dating na S-70i Black Hawk helicopters nito.
Isinagawa ang seremoniya sa Haribon Hangar sa Clark Air Base sa Pampanga kahapon, bisperas ng Change of Command para sa liderato ng Air Force ngayong araw.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, ang mga naturang chopper ay bahagi ng 32 unit na kinuha mula sa kumpaniyang PZL MIELEC ng Polad sa bisa ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program.
Hunyo ng taong ito nang dumating sa bansa ang unang batch ng mga Black Hawk helicopter habang ang ikalawang batch naman ay dumating nito lamang Disyembre 9.
Magiging pandagdag puwersa ito sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) gayundin sa iba pang operasyon na may kaugnayan sa national security. | ulat ni Jaymark Dagala