Namahagi ng Pamaskong Handog sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Marikina.
Ito ay pinangunahan nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel at Special Envoy to the United Arab Emirates (UAE) for Trade and Investment Ma. Anna Kathryna Pimentel.
Nasa 870 na mga estudyante sa kinder ang nakatanggap ng mga school bag na may lamang school supplies at limang kilong bigas.
Bukod sa mga regalo, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng tig-P2,000 sa Lunes sa isasagawang payout sa Malanday, Marikina.
Nagpasalamat naman si Senator Pimentel kina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Marcos sa kanilang tulong para sa mga batang Marikenyo.
Samantala, sa panayam ng Radyo Pilipinas sa mga magulang na nakatanggap ng Pamaskong Handog, nagpasalamat sila sa maagang pamasko na natanggap ng kanilang mga anak mula sa Pangulo. | ulat ni Diane Lear