Implementasyon ng digitalization sa Maritime Industry Authority, isa sa itinuturing na achievement ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ni Maritime Industry Authority Administrator Sonia Malaluan na full swing na ang digitalization program ngayong taon.

Sa Kwentuhan with MARINA Administrator, iniulat nito na umaabot na sa 7,206 na mga online online registration at mahigit 40,000 transactions ang nagawa mula nang simulan ang digitalization program noong July 1, 2024.

Mula sa application ng mga certification hanggang pagbabayad ay online na kung kaya’t hindi na mahihirapan ang mga customers ng MARINA sa anumang transakyon nito.

Hindi na rin daw kailangang magtungo sa MARINA para kunin ang certificate dahil ito ay ipadadala na lamang sa email ng isang aplikante.

Ang full swing digitalization program na ito ay bahagi ng layunin ng Marcos Jr. administration na mas mapabilis ang mga transaksyon sa pamahalaan lalo pa at karamihan ngayon ay nasa modern technology operation na.

Sa kabila nito, tutol ang MARINA na gumamit ng Artificial Intelligence sa mga online transaction dahil posibleng makumpormiso ang ilang maseselang dokumento.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us