2025 Budget Bill, di muna dapat hayaang mapirmahan ni PBBM — Sen. Imee Marcos 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senador Imee Marcos kina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman na huwag hayaan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pirmahan ang panukalang 2025 National Budget na isinumite ng Kongreso. 

Ito ay sa gitna ng mga kinuwestiyong item sa niratipikahang Budget Bill ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. 

Kabilang sa pinunto ng senador ang posibleng paglabag ng inaprubahang 2025 Budget Bill sa Konstitusyon dahil lumabas na mas tumaas ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na umabot sa isang trilyong piso, kaysa sa budget ng Education sector.

Malinaw aniya sa Saligang Batas ng bansa na dapat bigyan ng pinakamalaking alokasyon ay sektor ng Edukasyon.

Ipinunto ni Senador Imee na mas alam ni ES Bersamin ang Konstitusyon kaya hindi dapat nitong hayaang mapahamak ang kanyang kapatid. 

Nanawagan naman ang senador kay Secretary Pangandaman na huwag hayaang maging sistema sa gobyerno ang ‘for later release’ mechanism sa budget. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us