Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa lungsod.

Sa harap ng posibleng panganib na dala ng Super Typhoon, agad na inihanda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga gamot upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente ng lungsod.

Nakaantabay din ang emergency response teams ng QCDRRMO para sa mga hihingi ng tulong.

Kasabay nito, nagsagawa na rin ng rescue and clearing operation ang QC Law and Order Cluster sa mga street dweller sa kahabaan ng SM Centerpoint at ilang bahagi ng District 4 hanggang District 6.

Nais makatiyak ang QCDRRMO na maging ang mga street dweller ay ligtas sa pananalasa ng paparating na Super Typhoon #BettyPH.

Pinapayuhan din ang mga taga-Quezon City, na maaari silang tumawag sa Quezon City Helpline 122 sa anumang emergency na pangangailangan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us