Mas gumanda ang pananaw ng mga consumer ngayong huling bahagi ng 2024 at sa susunod na taong 2025.
Base sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagpakita ng mababang negatibong confidence index na -11.1 percent ang mga Pilipino mula sa -15.6 percent noong nakaraang ikatlong bahagi ng 2023.
Ang pagbabagong ito ay bunga ng pagtaas ng porsyento ng mga mas positibo ang pananaw dahil sa inaasahang mas mataas at karagdagang kita, mas maraming miyembro ng pamilya ang nagtatrabaho at mas maraming may permanenteng hanapbuhay.
Ayon sa survey, mas bumuti ang consumer sentiment sa lahat ng indicator at antas ng kita gaya ng pananaw tungkol sa kondisyon ng ekonomiya ng bansa, kalagayang pinansyal ng pamilya at kita ng pamilya.
Ang mga positive outlook ay makikita sa mga low-income, middle-income at high-income families.
Ayon sa surveym sa kabila ng mga hamon sa inflation, employment rate at peso-dollar rate ay mas positibo ang pananaw ng mga consumer na nagpapahiwatig ng pagbangon ng ekonomiya at patuloy na tiwala sa mas maayos na kondisyon ng bansa sa mga darating na taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes