Bangko Sentral ng Pilipinas, muling nagbawas ng interest rate kasunod ng kanilang huling monetary policy meeting ngayong Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board ang pangatlong interest rate cut ngayong taon.

Kasunod ng kanilang inaabangang monetary policy meeting, muling nagbawas ng 25 bps reverse repurchase rate ang BSP na nagdala sa 5.75% mula sa dating 6%.

Maging ang overnight deposit and lending facilities ay ibinaba sa 5.25% mula sa dating 6.25%.

Matapos ang ikatlong beses na interest rate cut for 2024, nasa 75 bps points na ang ibinaba ng interest rate.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr. patuloy na tinatahak ng Central Bank ang pagluluwag ng monetary policy upang tiyakin ang price stability, sustainable economic growth and employment.

Ito ay dahil aniya sa well anchored inflation expectations na siyang sumusuporta sa less restrictive monetary policy. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us