CREATE MORE Act, nagsilbing Pamaskong regalo ng administrasyong Marcos Jr. sa mga investors at sambayanang Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na pinakamalaking Pamasko at Bagong Taong handog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasabatas ng CREATE MORE Act sa mga investors at mamayang Pilipino.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang paglagda ng Pangulo sa Corporate Recovery and Tax incentives for Enterprise to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy ay upang i-posisyon ang Pilipinas bilang investment destination sa mundo.

Sa pamamagitan aniya ng mga modernong sistema ng insentibo at buwis ay mas magiging competitive ang bansa sa pamumuhanan globally.

Diin ng kalihim, matagal na itong hinihintay ng business community at mabilis itong tinugunan ng administrasyong Marcos Jr.

Magsisilbi itong liwanang sa positibong economic outlook sa susunod na taon 2025 dahil inaasahang dadami ang mga foreign investors at paglago ng mga lokal na ekonomiya.

Kabilang sa paborableng insentibo na handog ng bagong batas ay ang pagpili ng mga registeres Business Enterprise (RBEs) sa pagitan ng Special Corporate Income Tax (SCIT) na 5% o ang Enhanced Deduction Regime (EDR) sa simula ng kanilang operasyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us