Balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, nagsimula na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-umpisa nang ipatupad ang balasahan sa Philippine National Police (PNP) upang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang matataas na posisyon.

Ayon sa utos na nilagdaan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, itinalaga si dating Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Bernard Yang bilang bagong Director ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Samantala, si dating Director ng Special Action Force (SAF), Police Brigadier General Manuel Javier Abruguena, ang itinalagang bagong District Director ng SPD.

Inaasahan din na magpapatuloy pa ang mga balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP dahil marami ang nagretiro ngayong Disyembre, kabilang na ang Deputy Chief for Operations na si Police Lieutenant General Michael John Dubria.

Sa kasalukuyan, ilan pang matataas na posisyon sa PNP, tulad ng Directorate for Information and Communication Technology at SAF ang nananatiling bakante. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us