Nakapagtala na ang Department of Agriculture ng aabot sa ₱32.34 milyon halaga ng pinsala sa sektor ng pagsasaka bunsod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Batay sa inilabas na assessment report ng DA-DRRM Operations Center, karamihan ng napinsalang sakahan ay nasa Western Visayas.
Katumbas ito ng halos 300 ektarya ng mga agricultural areas o production loss na 832 metriko tonelada.
Mayroon ding 780 mga magsasaka ang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Habang ongoing ang validation at assessment sa kabuuang pinsala sa agricultural at fisheries sector, patuloy namang inihahanda ng DA ang assistance nito para sa mga apektadong magsasaka.
Kabilang dito ang pamamahagi ng mga agricultural inputs; Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at indemnification sa mga insured farmers sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). | ulat ni Marry Ann Bastasa