Pinasimulan na ang pre-empted evacuation sa ilang munisipalidad at probinsya sa Northern Luzon na posibleng maapektuhan ng pananalasa ng super typhoon #BettyPH.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Director Allan Tabell, ngayong araw ipapatupad din ang paglilikas sa Cagayan at Isabela.
Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahang makararanas ng malakas na pag-ulan sa nabanggit na lalawigan sa Lunes hanggang Martes.
May nauna nang 670 pamilya ang nailikas sa Negros Occidental, 193 pamilya sa Roxas, Palawan at dalawang pamilya sa Pampanga.
Simula noong Huwebes, inilikas na rin ang ilang residente sa Batanes na nakatira sa mga kabahayang gawa lamang sa light materials. | ulat ni Rey Ferrer