Bad news para sa mga motorista dahil may panibagong taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo base sa pagtaya ng Department of Energy ang nakaamba sa susunod na linggo.
Ayon kay Dir. Rino Abad, ang pinuno ng Oil Industry and Management Bureau ng DOE, minimum na taas-singil sa kada litro ng gasolina ay nasa ₱0.40 , habang ₱1 sa diesel at ₱0.90 naman sa kerosene.
Paliwanag ng opisyal, ito ay bunsod sa patuloy na pagtaas ng demand ng iba’t ibang mga bansa dahil sa nangyaring interest cut ng central bank ng Europa.
Sa kabila nito ay umaasa si Abad na mababago ang trend ng galaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo dahil marami at sobra pa ang suplay ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco